From the Facebook page of Senator Tito Sotto:
Marami pong gumugulo sa kaisipan ko sa ngayon. Pabayaan po ninyong kahit papaano, isa-isa ay mailabas ko iyong mga tumatakbo sa kaisipan ko sa tinatalakay nating panukalang-batas.
Lumalabas po ngayon, ang gobyerno natin, dahil dito sa RH bill na ito, sunud-sunoran sa mga international organizations. Kakuntsaba pa iyong mga ibang developed countries. Ang hangad lamang nila, pigilan ang pag-asenso at paglawak ng impluwensiya ng third world countries katulad ng ating bansa sa pamamagitan ng pagbabawas ng populasyon natin.
Kung ano pa iyong batas na lubhang humahati sa ating bansa ay siya pa iyong pinaapura ng Malacañang, imbes na inuna sana iyong mga katulad ng hinihingi ng karamihan ng mga kababayan natin na wala namang kumukontra sa atin. Hindi ko maunawaan kung bakit pahihintulutan ng ating Pangulo ang pagkakawatak-watak ng ating bansa para sa isang panukalang-batas na hindi naman tutugon sa suliranin talaga ng ating bansa. Kawawa naman ang Pilipinas. Kung nabubuhay lamang po ang ating yumaong mahal na Pangulong Presidente "Cory" Aquino, ni hindi naka-first base itong batas na ito.
Ang kailangan natin ay batas na naaayon sa ating natatanging kultura. Mali namang sumunod tayo sa tema ng mga panukala ng ating mga karatig bansa kung salungat naman ito sa ating kinaugalian at paniniwala bilang isang bansang nagpapahalaga sa responsableng pagpapamilya na nakapaloob sa sagradong institution ng kasal.
To top it all, Mr. President, magsasayang pa tayo ng bilyun-bilyong piso dito sa pagpapatupad ng batas na sisira lamang sa pagkakabuklud-buklod ng ating bansa. Pero isa lamang po ang masasabi ko, pagbutihin sana nila dahil tututukan natin ito. Pirmahan man ng Presidente ito, babantayan natin. Lahat ng--mayroon po akong record dito sa Senado. Mula noong 1992, noong natuntong ako dito hanggang sa ngayon, may mga tatlo hanggang apat na batas ang binutohan ko ng no. Lahat iyong tatlo, apat na iyon, pinagsisihan lahat.
Una iyong GATT/WTO. Ang daming gumagapang sa akin noon, hindi po ako nagpatinag, binutohan ko ng no dahil alam kong masama sa mga magsasaka. Ano ngayon? Pinagsisisihan nating lahat. Bumuto ako ng no sa EPIRA, tumaas lahat ang kuryente natin. Hindi ba pinagsisisihan din? Ngayon gusto i-repeal. Nilabanan ko rin po iyong Oil Deregulation Law; ngayon gustong ibalik.
Ito ho, ganoung-ganoon ang pakiramdam ko rito. Malamang pagsisihan po natin ito. Ang malungkot pa, isang parte, ultimo ang ating mga kasama rito, even our colleagues were made to believe the marketing strategy being used by these groups, these organizations from abroad. Iyong pinangangalandakan nilang 11 mothers a day, ultimo sa Uganda, iyon din ang gamit nila, 11 mothers die a day. Hiningan namin ng dokumento, ang Committee nanghingi ng dokumento, walang naibigay sa Committee hanggang ngayon. Ngayon, ang ginawa namin, kami mismo ang nag-research, hindi po ba, binasa ko dito noon iyon.
Doon sa 2011 na lamang dahil everyday sabi nila mayroong 11 namamatay. Nueva Vizcaya Provincial Hospital, ang namatay dalawa sa loob ng 2011, buong taon. Sa Pangasinan Provincial Hospital ang namatay apat lamang. Sa Batangas Regional Hospital, out of 2,584 births, ang namatay pito. Sa Cavite Naval Hospital, wala. O, hindi ba marketing strategy iyong 11 mothers a day para mapaniwala iyong ating mga kababaihan? Nakakalungkot po talaga. Isipin natin na maraming lugar sa bansa na, lalu na sa Metro Manila, ipinagbabawal na iyong paggamit ng plastik, akalain ninyong isabatas natin iyong condom? [Laughter] Hindi ko maintindihan. Masyado silang marurunong.
Upon our election as senators of this Republic, my term started in 2010, we took an oath before performing our functions. An oath is a promise to God, we promised among others, to support and defend the 1987 Constitution of the Philippines. We promised to support and defend the whole 1987 Constitution, not just the parts we agree to, the parts the suit our temperament, the parts that were convenient. It was a promise that did not have any qualifications. And because we promised to defend the whole Constitution, we must preserve and protect every part thereof. That is only logical and reasonable. Otherwise, we should not have promised if we did not intend to fulfill the import of our promise. Constitutional provisions, binanggit na po natin lahat lagi iyan.
What is left for us? May Almighty God understand this nation after this vote and forgive us if we do not keep our promise. I vote no to the RH bill, I have kept my promise. And if we approve this measure, may I ask God the Father to forgive us for we do not know what we are doing.
Thank you, Mr. President.
No comments:
Post a Comment