By "Cathy" of PINaysaAmerika
Dear insansapinas,
Updated:
Karugtong ito ng una, Siyempre, may una, meron ding pangalawa. roll eyes.
Definition of terms:
Ang corruption, mga kabarangay ay hindi lang ang pagtanggap ng bribery. Kasama rin dito ang pilferage, extortion, fraud, NEPOTISM, theft, embezzlement and`falsification of records.
Graft and Corruption sa Department of Health
Ngayong taon ay itinanggi ng Dept of Health na may mga ghost employees sila. Mga nagmumulto, tumatanggap ng suweldo pero hindi naman pumapasok. Sabagay lahat naman ng sangay ng gobyerno mayroong multo.Hindi ka ba naman papayag magmulto kung kalahati ng sweldo ay ibibigay saiyo at kalahati ay pinaghahati-hatian ng mga buwakanng mga may hawak sa personnel services. Hindi ka naman papsok o kaya pag pumasok ka man ay para lang magbundy clock. Aba kahit hindi ka nurse puwede ka nilang ilagay sa payroll. Bakit nagco0cause ito ng poverty? Kasi yong talagang mga gustong magtrabaho, hindi makatrabaho, dahil puno ang plantilla ng multo. Sa isang tingin lang ba ng Secretary at sa tanung-tanong, malalaman na nga niya pag may "nagmumulto" o wala.