By "Cathy" of PINaysaAmerika
Dear insansapinas,
Maraming babato sa akin nito pero tatawagin ko si Pacmom para ihalihaw niya ang kanyang Hermes bag. mwahaha .Besides, my opinion is not based on emotion. Hindi rin ako nakikigaya sa mga celebrities na baka hindi alam na ang growth rate ng population is net of the birth and death and the migration to and from the country. Hindi lang ito ang nabubuo pag may sex. By the way, basahin ang article ni Resty na nagconfirmed sa sinulat ko noon about population growth rates DITO.
Simulan natin sa BIR.
Every quarter you will read from the news, that the agency did not meet the targeted collection. Bakit Virginia, tanungin ninyo ako? Sige na. Kasi sa graft ang corruption. HOW HOW DE CARABAO does this causes poverty. Teh, mahabang kuento yan. Ito.
Graft and Corruption sa BIR
Mga corrupt na examiners- pag sinabi kong examiners, yon ang nag-aaudit ng ITR ng mga malalaki ang mga gastusin at mga revenues. Hindi ito mga sari-sari store o mga tricycle drivers na pinupuntirya ng BIR ngayong nasa puwesto. Ang mga kita ng huli ay barya-barya lang. Ganito ang eksena. Una, appointment saiyong accountant, Tapos," suggestment" kung magkano ba? Tapos nandiyan ang threat. Huwag kang magsusumbong sa kaniyang superior. Magkakasama sila. Bakit ko alam? Tanungin ninyo ako. Sige na.
Nagtrabaho po ako sa isang accounting and tax firm sa Pinas kay gandah ko. May mga tawaran. Hindi yong humihingi ng patawad kung hindi magsasabi ng presyo at tatawaran mo. Ang boss ko ummeksena diyan. Hindi ko kaya ang mga dialogue nila.
At naofferan na rin akong magtrabago sa ahensiya. Maliit ang suweldo. Sabi ko nga, hindi pa kasiya sa aking pambiling sapatos na kinokolekta ko noon. Sabi nga noong nag-imbita sa akin. " Pero hindi yan ang kikitain mo". Muntik ko na siyang wisikan ng tubig. Eh kung yong sobrang sukli lang sa akin di ako makatulog, yong pera pang hindi ko pinagpawisan dahil naka-aircon ako.
Saan pumupunta ang perang nakurakot nila? Sa parteng ito, mas mautak sila kaysa sa mga heneral. Talagang nilalagay nila sa ibang pangalan ang kanilang mga properties. Pag nacheck lang sila sa lifestyle nila sila naiimbestigahan. Yon yong mga nagkakaroon ng kaaway sa loob. Kaniya-kaniya rin silang Hudasan. Kaniya-kaniyang sipsipan para maassign sa magandang lugar. Kumpara mo ang massign ka sa Binondo na maraming negosyo at sa isang pook na poor lang ang mga nakatira. PERO PAANO NGA ITO nagko- cause ng poverty? KULIT KASI EH.
Karamihan sa mga perang nakukurakot at ibinibili ng bahay at lupa, dahil pag inilagay nila sa banko, masisilip na napakalaki ng pera nila. Ang real estate properties ay DEAD INVESTMENT (not unless may construction ng bagong mga units) para sa economy. Hinahawakan lang ito ng mga may-ari para hintaying tumaas ang halaga. WALANG PRODUCTION. WALANG EMPLOYMENT GENERATION at pag sa ibang bansa pa sila bumili nabawasan ang ating kaperahan, bawas ang ating foreign reserves, dahil bibili sila ng dolyar,
MGA BUSINESS NA NAKAKAPAGDAYA SA BUWIS DAHIL NAGLALAGAY
Ito siguro kahit abacus pa rin ang ginagamit ninyo, alam na ninyo na ang natitipid ng negosyo sa pamamagitan ng pagdaya sa kanilang income at expenses, ay makakabawas sa Revenues ng gobyerno na siyang ginagamit sa pagpapatakbo ng iba't ibang ahensiya AT Kinukurakot naman ng ibang opisyales.
Tingnan lang ninyo ang expense accounts ng mga negosyong ito lalo na ang mga family controlled corporations.Pati personal expenses nila diyan nakacharged. Ang mga tinitirhan ng mistress or toy boy (nasa pangalan ng mga kumpaniya ang mga properties na ginagamit nila, ang kotse, ang condo, ang mga travel expenses sa panonood ng reality show na charged sa business kuno). Ang mga tuition ng mga anak, under Research and Development or Training and Seminars. Creative accounting. bwajajaja.
Pag naging zero growth rate ba ang population, maalis ito? NO VIRGINIA.
Tapos nag-eexpand sila sa ibang bansa. Klap, klap, klap ang mga tao. Employment generation? Nah, baby. Kaya nga sila pinapayagang magbusiness sa ibang bansa dahil the business will generate local employment. Try ninyong mag-aapply ng investor's visa sa US.
Sasabihin ninyo ang income naman doon ay marereport sa GNP ( take note, hindi GNP) so additional income sa PHL. Pero mga deng, ang bank account nila nasa ibang bansa rin. At paunti-unti lang ang pagpadala nila dito sa PHL dahil ang kanilang reason ay development and expansion. Bakit ba mabango tayo sa HKkahit may nangyaring hindi maganda. Tanungin ninyo ang bangko nila. Weh.
Graft and Corruption sa NFA
Sa balita, marami raw nabubulok na bigas pagkatapos na nag-attempt ang NFA na mag-import ng bigas. Bigla silang urong. Bakit naman nila pinabubulok ang bigas? Kasi Sisa, kapag maraming supply ng bigas sa market. bagsak ang presyo. Mabibiyayaan ang mahihirap. Paano naman ang mga negosyante ng bigas. Liliit ang kanilang tubo. Paano na makakapag pacosmetic surgery ang kanilang mga asawa? Paano na ang mga anak nila na humihingi ng Porsche? Paano ang mahihirap, wala silang pakialam. Tseh. Kaya nga ba minsan may lumulubog na bapor na ang karga ay bigas o kaya may mga warehouse na nasusunog dahil pag bumagsak ang presyo ng bigas, maghihirap sila. Di na sila makakabili ng steak. Repeal that law of demand and supply. mwehehe
Graft and Corruption sa Customs
Ito kahit na bagsak kayo sa Math, pwede kayong magtrabaho. Total, mali-mali namang ang declaration ng mga imported items para mas mababa ang taxes. ITo ang tinatawag na technical smuggling. Meron yang dindeclare na auto spare parts, yon pala mga luxury cars. Mga ninanakaw sa US kahit na may low jack ( anti-theft device) tapos ipinadadala sa Pilipinas. Ma ukay-ukay kuno pero yon pala mga mamahaling knocked-off bags, made in China at Korea. Unang niregaluhan ako nito, tuwang-tuwa ako eh. Akala tuloy ng aking kaibigan, naging corrupt na rin ako dahil bitbit ko ang bag na kasing halaga ng kotse niya. bwahaha, Yon pala PEKE. PEKE.
Pag naging zero ba ang population growth, wala ng ipanganganak ng smugglers at mga corrupt na customs examiners?Ano kaya kung merong pills na pag-alam na magiging corrupt ka ay hahabulin ang sperm cells para hindi umabot sa eggs.
Naku wala pa rito ang graft ang corruption sa LTO, sa Department of Health at Department of Education.
Abangan.
Pinaysaamerika
That was fast! Haha. May part 2 pa si Ate: http://pinaysaamerika.blogspot.com/2011/05/why-graft-and-corruption-is-cause-of_19.html
ReplyDelete